Sunday, June 26, 2011

TAMIS NG MGA HALIK

• Kiss on the cheek. Ang halik na pangkaraniwan. Pano ito magiging espesyal? Simple lang. Kapag ang ka-MU mo ang gumawa nito sayo sa unang pagkakataon. Talaga nga namang kikiligin ka ng bonggang-bongga! May pangiti-ngiti ka pa pag naaalala mo.

• Kiss on the forehead. Ang halik ni itay o ni lolo. Kailan magiging matamis ang halik na to? Kapag ang boyfriend ang humalik sa'yo sa noo pagkatapos ng tampuhan. Parang sinasabi nyang "pasensya na, hindi kita sinasadyang masaktan, aalagaan kita, rerespetuhin at pagkakatiwalaan kasi mahal na mahal kita."

• Kiss on the lips. Ang pampainit … ng pagmamahalan ;) Oh kay tamis nga naman nito kapag puno ng damdamin. Yung bang hindi na kailangan ng mga salita para malaman nyang mahal na mahal mo siya. Kahit ba kagigising lang niya at hindi pa nagmumumog eh hahalikan mo na. Smack lang, alangan lapangin mo, kadiri naman. hehe

• Kiss on the neck. Nakakapangilabot ito at may spark. Kaya tama na, baka saan pa makarating. Ahihi

No comments:

Post a Comment